Sunday, July 24, 2011

i should trace what happened to me politically speaking & how being educated publicly from elem to high school then going to college in ateneo then working in govt has shaped not shaped this formless not totally apathetic but not totally critical slash not really passionate involvement non involvement with the govt and the world etcetera. plus plus how shattering it is to rally for filipino the language the national language, yes, and take up panitikan in a burgis slash elite university only to realize how elite filipino is when there are languages in the regions, and how insulting, semi insulting the term in the regions is when im actually kapampangan and I can’t even speak our dying language and how elite panitikan really is, no matter what, and you know all that jazz and how wonderful life used to be when it felt like i cared more than my atenean classmates cared (they cared less only because they didn't know, perhaps i didn't care, really, but just knew the news without really caring) and how friends in UP make me feel ignorant and pathetic when all I care about today’s sona is kung may pasok ba ang mga taga gobyernong tulad ko because heck I’m in the communications team of our office, I am partly a media relations officer, I know the communications plan of the govt, generally, I know that pnoy directed us to submit good news and bad news stories every month with good news particularly pertaining to anomalies of the past admin that the current admin addressed etc. ah perhaps working here made me realize how distilled, how fictional, how plotted every speech, every statement that is released to the media is. It’s all just show, just theatrics, just literary pieces, really, based on some facts and truths, e gano’n naman ang fiction anyway. Anyway, wala namang nagbabasa nito at hindi naman ito kakalat so okay lang pero naman di ba, matagal naman na nating alam na news is just as biased as fuck pero believe me when I say it really is, coming from a Filipino literature slash panitikan graduate writing business features.
Perhaps I will begin to care again when, kalian ba? When I begin to think that there is Truth, really and that my opinion our opinion is not just being shaped by something someone else when I know absolutely know that airing my thoughts is not just the system allotting a small space for me to air my thoughts so I will begin to think that I am free that I am being listened to pero hindi naman talaga. O fuck Focault, you messed up my mind, really.

Saturday, August 14, 2010

oh my sick sick mind got excited nang sabihing "iniisip ko na nga na kung gusto mong maging independent sige pag-aralin mo na lang ang sarili mo." i should have been scared to death or revolted even but all i can think of now is kanino ako makikitira at anong trabaho ang tatanggap ng isang ateneo undergrad. saka biglang tumayo ang tatay ko para sabihing hindi siya makapag-isip at mag-usap na lang kami bukas. and all i am scared of is absolute non-freedom. mas gusto ko pang umalis na lang. my sick sick mind thinking si ambeth ocampo nga basta na lang umalis sa kanila. my sick sick mind thinking what i have done, sleeping somewhere else last night (goddammit i'm not even pregnant for fuck's sake), is not yet enough for them to totally get their hands off me. what the hell. ano bang gusto ko sa buhay. kalayaan kuno. siyempre they'll realize that. baka grounded na lang ako for realz. oh god. anxiety. ito na siguro ang pinakamahabang paghihintay ko sa umaga.

Thursday, July 22, 2010

Ang tulang pinakatotoo, hindi ko maipakikita. Kundi'y ihahain ko ang aking sarili, hindi lamang hubo't hubad kundi sugatan, puno ng hiwa sa katawan, nagdurugo. Lalapit kayo, tititigan ang mga sugat--sariwa o nagnanana. Maganda, sasabihin niyo. Matalinghaga. Palakpakan. Ano naman ngayon? Naghilom ba ang mga sugat? Niyakap man lang ba ang halos bangkay ko nang sarili? Bukas makalawa tititigan naman ang naagnas na katawan ng isa pang makata. Sa ngayon ako, ito, sugatan. Sapat bang dahilan ang mga mata ng iba upang ipabasa ang sarili? Ang tula kong pinakamaganda, hindi ko maipababasa. Mananatili itong sa akin, sa akin, sa akin.

Thursday, June 10, 2010

nakakapagod ang lahat. binubuo ko rin ang sarili ko at sinusubukan kong maging malakas para sa sarili ko. i'm trying to deal with all my fucking insecurities to make myself better. but no, multitasking ang buhay.

kailangan kong pagbutihin ang sarili ko habang iniintindi ang problematic kong pamilya. ang nanay kong nagmula sa isang magulong pamilya kaya maraming kino-confront na hang-ups. ang tatay kong galing sa isang magulong pamilya na ayaw harapin ang mga hang-ups niya kaya sinisisi niya lang ang nanay ko sa pagkasira ng relasyon nila. ang nanay ko walang ibang hingahan ng problema kundi ako. ako na walang ibang hingahan ng problema kundi ang jowa ko, na malayo sa akin, na nagtatrabaho at may sarili ring mga problemang kailangang tugunan.

nag-iisa tayong lahat.

kahit pa gustuhin kong tulungan ang nanay ko, kung minsan, hindi ko na talaga kaya. hindi ko alam kung saan ko siya ihahanap ng best friend sa puntong ito. 'wag na ako, hindi ko na kaya.

nag-iisa tayong lahat.

kahit pa alam kong gusto mo akong tulungan, alam kong marami ka ring pinapasan. alam kong nakakapagod din ang mga sinasabi ko. alam kong magiging mas masaya at magaan ang buhay mo kung hahayaan na lang kitang mabuhay sa araw-araw mong mundo ng pagpasok sa opisina pag-e-ensayo para sa dula at paglabas sa gabi kasama ang mga kaibigan.

ako, putang ina, maghapong nakaharap sa internet, nag-e-email ng isang Brazilian crush, pinapasaya ang sarili sa witty webcomics ng xkcd, nagbubura ng facebook. lahat ng ito ironic dahil kung may isang bagay na pinagkakasunduan ang mga magulang ko iyon ay ang salitang curfew. 'yon ay ang konsepto ng masama ang uminom kasama ang mga kaibigan. masama ang nasa labas ka pa ng 9:00 ng gabi. e paano ako makakareconnect sa mga kaibigan ko kung hindi ko sila makasama? paano ako makakahanap ng kausap at release bukod sa jowa ko at guidance councilor na puwede sa schedule ko na umaga lang libre? halo-halo na lahat ng putang inang angst ko rito. iniisip ko pa ang law school. ang pagkuha ng trabaho para mawalan na ako ng curfew pagkagradweyt. ang kasalukuyan ang hinaharap. insecurities sa pagiging aktres na wala namang ginagawa dahil mailap ako sa gabi at weekends. insecurities sa pagiging manunulat wannabe. problema ko sa isang sensitibong topic sa mundo na hindi ko puwedeng ipagkalat. problema ko sa pagiging lihim ng hindi ko puwedeng ipagkalat. wala ba akong makausap bakit sa blog ko 'to sinasabi? shit. naguguluhan na ako sa kung ano ba ang problema ko.

nag-iisa tayong lahat.

at ganoon lang din tayo mamamatay.

Wednesday, June 9, 2010

LABFEST I MISS YOU. i won't pretend i'm not bitter. i am. I AM. ayoko maging plastic, K. not just labfest but you know, other things too.

What to do with envy? Shout out to the world so my insides won't rot? Screw envy. I'm the queeeeeeeen of envy. K? Tangna nakakapagod maging mabait. Kung naiinggit ako edi naiinggit ako. Immature ako e. Ayos! Wahahaha. Screw envy and all it's friends. At least I'm being fucking honest. I'm saying at least. At least. Because it almost doesn't count.

FML. This is sooooooooooooooo teenage typical. Or feeling artist typical. No wait, the blogging about it is teenage typical. Yep. There you go.

Saturday, June 5, 2010

exactly 9 days after activating fb i can't stand it anymore, again. what the hell is wrong with me.
May teorya ako ngayon tungkol sa buhay: gusto lang nating matulog. Buong maghapon nating pinapagod ang ating mga sarili, para sa gabi, masarap matulog. Gayon din ang buhay. Pinapagod natin ang ating mga sarili ngayon para maging masarap ang inaasam na kamatayan. Wala na nga sigurong tiyak sa mundo kundi pagtatalik at kamatayan. Sa araw-araw naman, wala nang mas tiyak pa sa gabi.